Napoles nasa adjustment period sa BJMP

TINIYAK ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang maaasahang special

treatment si Janet Lim-Napoles, makaraan ilipat kamakalawa ng gabi sa kanilang jail

facility mula sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay BJMP Spokesman Aris Villaester, mula sa pagkain at rules sa bilangguan ay

obligado rin na sumunod si Napoles.

Ang meal budget niya ay P50 kada araw, taliwas sa ilang usapan sa internet na mas

mamahaling pagkain ang ibinibigay sa binansagang pork barrel scam queen.

Kasalukuyang nasa adjustment period umano si Napoles kaya regular siyang titingnan ng mga

doktor.

Kamakalawa ng gabi ay isinailalim siya booking procedures, katulad ng pagkuha ng mugshot

at finger prints.

Habang normal ang blood pressure sa 130/90.