Salvage victim isinilid sa drum

HINIHINALANG biktima ng salvage ang bangkay ng isang hindi nakilalang lalaking natagpuang

nakasilid sa drum sa isang eskinita sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Ang  biktima ay tinatayang nasa 35 hanggang 40- anyos, may taas na 5’4, may tattoo sa

magkabilang braso ng dragon at “Tony Adriano” sa likod.

Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 4:30 a.m. nang matagpuan ang bangkay sa madilim

na bahagi ng Mabolo St., Brgy. Maysilo ng nasabing lungsod.

Isang ginang na papunta ng palengke ang nakakita sa isang asul na drum at nang tingnan ay

nakita ang bangkay ng biktima kaya agad ini-report sa Police Community Precint (PCP-1).

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima ay may isang tama

ng bala ng kalibre .45 sa leeg na tumagos sa kanang pisngi.

(ROMMEL SALES)