Kelot itinumba sa playground

PATAY ang isang 41-anyos lalaki makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek habang

nasa play ground ng Baseco compound sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Jimson Ibaan, walang asawa at trabaho, ng

Pasuquin, Ilocos Sur.

Inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang

insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District Homicide Section,

dakong 10 p.m. nasa playground ng Baseco compound ang biktima nang lapitan ng suspek saka

binaril sa ulo at mabilis na tumakas.

Inaalam ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.

(LEONARD BASILIO – may kasamang ulat ni John Bryan Ulanday)