Saturday , July 27 2024

Pringle nais kunin ng Globalport

NAKUHA ng Globalport ang karapatang maging koponang unang pipili sa 2014 PBA Rookie Draft na gagawin sa Agosto 24 sa Robinson’s Place Manila.

Ito’y pagkatapos na nabunot ni PBA Commissioner Chito Salud ang bolang may pangalang Globalport sa loteryang nangyari noong isang gabi bago ang Game 1 ng PBA Governors Cup finals.

Sinabi ng chief ng basketball operations ng Globalport na si Erick Arejola na si Stanley Pringle ay magiging top pick ng Batang Pier kung magpapalista sa draft ang dating manlalaro ng ASEAN Basketball League.

Ngayong PBA season ay nalaglag ang Globalport mula sa quarterfinals ng Commissioner’s Cup at Governors’ Cup sa pamamagitan ng parehong 1-8 na panalo-talo.

Samantala, nakuha ng Rain or Shine ang ikalawang pick sa draft mula sa Meralco dahil sa isang dating trade. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *