Thursday , June 4 2026

Mayweather vs Maidana part 2

MATUNOG ang pangalan ni Marcos Maidana para sa susunod na laban ni Floyd Mayweather Jr.

Ang rematch nina Mayweather at Maidana ay kasalukuyang niluluto na.  Na  ayon sa mga miron ay halos done-deal na ang laban.

Matatandaang nagharap ang dalawang boksingero dalawang buwan na ang nakararaan na kung saan ay tinalo ni Mayweather si Maidana via majority decision.

Sa nasabing laban ay inulan ng batikos ng maraming kritiko at eksperto sa boksing na nagpahayag ng pagkadismaya sa naging vedict ng laban.   Dahil sa magandang inilaro sa ring ni Maidana ay inaasahan ng marami na matitikman na ni Mayweather ang unang talo pero hindi iyon nangyari nang ibigay ng dalawang hurado ang kalamangan kay Floyd.

Nakatakdang isapubliko ni Mayweather ang nasabing rematch sa susunod na linggo.  At kung maikakasa ang laban ay itatakda iyon sa Setyembre 13.

Samantala, kinompirma naman ng La Ten Media noong nakaraang linggo sa BET Awards na nanggaling na mismo sa bibig ni Floyd na magkakaroon nga ng Part 2 ang nauna nilang laban ni Marcos.

“Sept. 13, back to business, Marcos Maidana-Floyd Mayweather, part II,” pahayag ni  Mayweather. “And then in May, I’m fighting in May and I’ll have a big surprise for ya’ll.”

Pero para kay Sebastian Contursi, manager ni Maidana na nainterbiyu ng ESPN, na wala pang pormal na pagkasa sa nasabing laban patuloy pa rin ang negosasyon nila ni Al Haymon para sa nasabing laban.

“Still in the talks. Nothing confirmed on our side,” pahayag ni Contursi. “Hopefully, we’ll have a decision made in the next 4-5 days.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …