Wednesday , August 17 2022

Van sumalpok sa footbridge, 2 pahinante tigok (Driver lasing)

PATAY ang dalawang pahinante nang sumalpok ang delivery van na minamaneho ng lasing na driver sa paanan ng footbridge sa EDSA-Quezon Avenue, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni SPO4 Raymundo Layug, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 1, kinilala ang mga namatay na sina Bener Bagungol, 30, may-asawa ng Brgy. Sacred Heart ng nasabing lungsod, at Jess Jurios, kapwa pahinante.

Sugatan ang lasing na driver ng van na si Eduardo Pabonita, 34, ng Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jordan Junio, nangyari ang insidente sa EDSA Southbound Lane, corner Quezon Avenue, Brgy. Phil-Am, dakong 4 a.m.

Minamaneho ni Pabonita ang L-300 van (THB-406) sakay ang dalawang pahinante habang binabagtas ang EDSA, nang biglang sumalpok sa naturang footbridge.

Patay agad ang dalawang pahinante habang si Pabonita na naipit ay isinugod sa East Avenue Medical Center para malapatan ng lunas.

Sa imbestigasyon, sinabi ng ilang saksi, mabilis ang takbo ng van kaya nawalan ng kontrol ang driver at basa ang lansangan sanhi ng pag-ulan. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa Police

Muntinlupa ginawaran ng Best City Police Station Award ng SPD

IGINAWAD sa Muntinlupa City Police ng Philippine National Police (PNP) ang Best City Police Station …

Las Piñas City hall

Las Piñas, safe city sa Metro Manila

IDINEKLARA ang Lungsod ng Las Piñas bilang Safe City sa buong Metro Manila, sa ginanap …

MMDA, NCR, Metro Manila

581 MMDA traffic personnel ide-deploy sa school zones simula sa pasukan ng klase — MMDA

AABOT sa 581 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic personnel ang ide-deploy ng ahensiya sa …

electric wires

Kableng ninakaw, Metro sa C-5 road, Taguig napalitan na

NAPALITAN na ang ninakaw na metro at kawad ng koryente sa C5 road sa lungsod …

shabu drug arrest

Sa Valenzuela
ONLINE CASINO AGENT KULONG SA P.1-M SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang online casino agent matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga …

Leave a Reply