Monday , December 5 2022

P750-M inilaan vs ‘cocolisap’

NAGLAAN ang Palasyo ng P750 milyon para sa anim buwan na implementasyon ng Scale Insect Emergency Action Program laban sa peste ng niyog o “cocolisap.”

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan, kaya hindi agad nabuo ang formula sa pagsugpo ng peste ay dahil bago ito at posibleng nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng mga dumating na ornamental plants sa mga pantalan sa Batangas.

Binigyang diin ni Pangilinan, 60% ng cococonut exports sa buong mundo ay mula sa Filipinas kaya’t napakahalaga ng industriyang ito na kumikita ng bilyong dolyar.

Kaugnay nito, inihayag niya na walang state of emergency na idinedeklara sa Calabarzon kundi ang Executive Order 169 ay para sa pagpapatupad ng emergency measures laban sa kulisap. May nakakasa aniyang livelihood programs para sa mga magsasakang apektado ng peste.     (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Bongbong Marcos Santa Claus Malacañang

FM Jr., nag-Santa Claus sa 600 bata sa Malacañang

MAY 600 batang nakatira sa mga komunidad sa paligid ng Malacañang complex sa San Miguel, …

Consumer Act

Ngayong Christmas rush
PROTEKSIYON PABOR SA MGA MAMIMILI NAIS PAIGTINGIN

SA GITNA ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang Pasko, sinabi ni Senador …

baboy money Department of Agriculture

Suplay ng baboy, sapat para sa Pasko — DA

TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez, sapat ang suplay ng baboy …

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan

Bebot na-trap, sa gumuhong building, 2 pa sugatan 

NA-TRAP ang isang 22-anyos babae habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang 4-storey residential …

120522 Hataw Frontpage

Sa Taguig City
2 HS STUDENTS, 4 KAMAG-ANAK INASUNTO VS BOMB THREAT

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act ang dalawang high school students at apat na …

Leave a Reply