Thursday , July 18 2024

SC spokesman Atty. Theodore Te nahiya o natakot sa live media coverage?!

00 Bulabugin JSY
ANYARE kay Supreme Court (SC) spokesperson Atty. Theodore Te?

Biglang naging camera shy?!

Kinikilala ng mga katoto natin na nagko-cover sa Supreme Court na mayroong mga patakaran na dapat sundin sa kanilang coverage.

Mayroon closed-door deliberations at mayroong mga kaso na hindi pa dapat isapubliko lalo’t hindi pa nagiging pinal ang mga resolusyon.

Pero kapag pinal na, walang dahilan para hindi isapubliko ang mga resolusyon o desisyong ito — kasama d’yan ang live coverage ng mga television network.

Ang BAR result, kabilang ‘yan sa mga nakasanayan nang i-cover nang live ng mga katoto natin.

Kaya naman marami talaga ang nagulat sa inasal kamakalawa ni Atty. Te.

Halos kalahating oras (30 minuto) na naghintay ang mga taga-media at kung hindi pa tinanggal ang mga kable na ginagamit sa live TV broadcast sa conference room ‘e hindi pa sisimulan ni Atty. Te ang press conference.

Kumbaga, antimano, nang sumpungin si Atty. Te ‘e bigla niyang ipinatigil ang live coverage.

SONABAGAN!

Gaano ba karami ang ‘asoge’ sa Supreme Court at parang biglang ‘nalason’ ang isipan ng isang dating human rights lawyer na naniniwala na ang transparency sa gobyerno ay bahagi ng karapatang pantao ng isang mamamayan?

Kailan pa natuto ang isang dating human rights lawyer na gaya ni Atty. Te na ikahon ang kanyang sarili sa mga burakratikong kautusan na lumalabag sa batayang karapatang pantao sa ilalim ng Bill of Rights (1987 Philippine Constitution)?

Shocking ka talaga Atty. Te!

Naglinaw pa si Atty. Te at sinabing, “It’s not a rule of the Supreme Court … It’s part of how this PIO understands its role in presenting the court’s message requirement.”

Mukhang gusto nang magtayo ng sariling kaharian ni Atty. Theodore Te sa loob ng Supreme Court …

Tsk tsk tsk …

Nakakukulta ba ng utak ang trabaho sa Supreme Court, Atty. Te?!

Baka-bakasyon din kapag may time Atty. Te, tagal-tagalan mo na rin kung pwede o kaya sagarin mo na hanggang 2016 ang pagbabakasyon …

Ang tindi naman kasi ng turn about ninyo Atty. Te, 180 degrees, from human rights lawyer to civil rights violator?!

Tsk tsk tsk …

SANDAMAKMAK NA SINDIKATO SA NBP BUKAYONG-BUKAYO NA NAMAMAYAGPAG PA RIN!

HINIHIKAYAT natin si Justice Secretary Leila De Lima na mag-SURPRISE VISIT sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Pero bago niya gawin ‘yan, dapat tingnan muna niya ang original na blue print ng NBP para alam niya kung ano ang una niyang pupuntahan at rerekoridahin.

Subukan ninyo Madam Leila para makita ninyo kung ano talaga ang itsura ng loob ng NBP kung bakit ‘naaalipin’ ang ibang preso ng mga convicted drug lords.

Alam ba ninyo, Secretary Leila na kapag d’yan ka pumasok sa Gate 4 ng Maximum Security Compound. Para kayong pumasok sa airport. Tadtad ng CCTV camera. Inire-record nila kung sino ang dumadalaw at lumalabas.

Hindi natin alam kung ang nasabing CCTV camera ay monitoring ng NBP o monitoring ng sindikato sa loob?!

‘E mantakin naman ninyo ‘yung local and Chinese bigtime drug lords may buntot na bodyguards. Hindi naka-uniporme ng preso kundi nakasuot ng magagarang damit gaya ng Lacoste at Polo.

Sandamakmak ang ginto sa katawan, naka-Rolex, hi-end mobile phone, naka-laptop pa.

Mayroon pang jammer ng cell site sa loob pero meron naman mobile internet.

Hindi ba kayo nagtataka Secretary Leila kung bakit nagsisiyaman sa loob ang mga gang leader at mayores?

Kumusta na rin nga pala ‘yung imbestigasyon sa ambush sa isang assistant director ng NBP?

‘Yung binaril na superintendent at sa isa pang doctor ng NBP, naresolba na ba ‘yun, Secretary De Lima?

Bukayong-bukayo na ang mga sindikato d’yan sa loob ng NBP, pero nagtataka tayo kung bakit hanggang ngayon ‘e papetik-petik lang si BuCor acting Director Franklin Bucayu …

Hayahay ba ang buhay sa Bureau of Corrections (BuCor), acting Director Bucayu?!

By the way, ito bang si starlet Krista Miller at isang Wowowee dancer ay hindi ba iimbestigahan at kakasuhan sa ginawang pagsiping ‘este’ pagdalaw sa isang convicted drug lord na si Camata alias Chacha!?

Ano sa palagay ninyo Justice Secretary De Lima?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *