Saturday , December 3 2022

Barangay official utas sa tambang

WALANG-awang pinagbabaril  hanggang mapatay ang isang 60-anyos opisyal ng barangay ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Nida Geniebla, maintenance staff ng Brgy. 178, at residente #1335 San Isidro, Kiko Road, Camarin ng nasabing barangay, sanhi ng maraming tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang pinaghahanap ng pulisya ang hindi nakilalang suspek na naglakad lamang makaraan ang pamamaril.

Sa ulat ni PO3 Alcee Clemente Jumaquio, dakong 6:30 a.m. naglalakad ang biktima sa Kiko Road, Camarin patungo sa barangay hall nang sundan ng suspek saka pinagbabaril.

Hinihinalang politika ang motibo sa insidente dahil kaanak ng biktima ang isang barangay chairman na pinatay noong nakalipas na buwan sa nasabing lugar.

Sinasabing nagbanta ang mga kalaban nila sa politika na uubusin ang kanilang lahi.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply