Friday , December 2 2022

26 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

SUGATAN ang 26 katao nang magkarambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa nasasakupan ng Taguig City kamakalawa ng gabi.

Dinala sa Parañaque Doctors Hospital, Taguig-Peteros District Hospital at Medical City Hospital ang 26 biktimang pawang pasahero ng Cher Bus (TYM-473) at Toyota Hi-Ace Grandia (NOH-605).

Habang nasa kustodiya ng Highway Patrol Group (HPG-SLEX), ang driver ng Cher Bus na si George Caballero, nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.

Base sa ulat ni SPO1 Marcelino Peralta ng HPG-SLEX, dakong 9:41 p.m. nang maganap ang insidente sa north bound lane ng SLEX, Taguig City.

Minamaneho ni Caballero ang Cher Bus at habang tinatahak ang naturang lugar, hindi nagawang makontrol ang preno dahilan upang sumampa sa gutter ng ilalim ng Skyway ang sasakyan at sinalpok ang Toyota Hi-Ace Grandia, dump truck (THL-368) at isang trailer truck (UUQ-332).     (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Stab saksak dead

18-anyos patay sa rambol ng 2 grupo ng kabataan

DAHIL  sa pambu-bully, patay ang 18-anyos binatilyo habang sugatan ang kanyang kapatid at pinsan, nang …

120122 Hataw Frontpage

Sa Negros Occidental
NDF CONSULTANT, 1 PA, PATAY SA MILITARY OPS

ni Rose Novenario NAPATAY sa operasyon ng militar si National Democratic Front (NDF) consultant Ericson …

illegal fishing with the use of explosives

P2-M gamit muro-ami , ilegal na huling isda nasabat sa Quezon

AABOT sa halos P2-milyong halaga ng mga fishing gear at tools ang nasabat mula sa …

Land Transportation Office LTO

Sa Bulacan
4 LTO ENFORCER HULI SA KOTONG SINIBAK SA PUWESTO

IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagsibak sa …

Sugatan sa enkuwentro 2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

Sugatan sa enkuwentro
2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

MAGKASAMANG binisita nina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3 at P/Col. Relly Arnedo, Provincial …

Leave a Reply