Thursday , June 4 2026

13-anyos tiklo sa bigong rape sa masahistang bulag

DAGUPAN CITY – Inireklamo ng isang bulag na masahista ang 13-anyos binatilyo makaraan ang tangkang pagsasamantala sa Lungsod ng Dagupan.

Ayon sa biktima na hindi na nagpabanggit ng pangalan at nagtratrabaho sa isang mall sa Arellano sa nasabing lungsod, inalok siya ng lalaki ng P500 kapalit ng pakikipagtalik sa kanya.

Una rito, lumapit ang binatilyong suspek sa biktima at nagsabing magpapamasahe.

Noong una ay ayaw sana niya masahiin dahil matagal na siyang hindi tumatanggap ng kustomer na lalaki ngunit mapilit ang suspek.

Habang nasa loob na sila ng kwarto ay hiniling ng masahista sa lalaki na dumapa para malagyan ng langis ngunit malikot ang lalaki at hindi mapakali.

Nang sabihan na ayusin ang pagdapa ay nagbago ang isip ng suspek at sa kamay na lamang nagpamasahe.

Hanggang alukin siya ng P500 kapalit ng malaswang ipapagawa sa kanya ngunit tinanggihan niya at iginiit na hindi ito kasama sa kanilang trabaho.

Dahil sa takot ay nagmamadaling lumabas ang masahista ngunit nauhahan siya ng lalaki at isinara ang pinto. Nagsisigaw ang biktima nang yakapin ng suspek hanggang binuksan din ang pinto at tumakbo ang lalaki.

Ngunit nahuli rin ng gwardiya ang binatilyo na dinala sa himpilan ng pulisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …