Wednesday , April 24 2024

Luis, sure nang si Angel ang pakakasalang babae!

ni Nene Riego

MASAYANG-MASAYA si Angel Locsin dahil may trending ang kanyang seryeng The Legal Wife with Jericho Rosales na tunay na mataas ang puntos sa program survey.

Happy din siya dahil sa three months na balikan nila ni Luis Manzano’y napatunayang, love is lovelier the second time around.

At ang tila bonus na nakapagpaligaya sa kanya’y ang pagsama sa kanya ni Lucky sa family dinner nila noong Mother’s Day. Sa mainit na pagtanggap sa kanya ni Gob. Vi ay obvious na boto talaga ang huli sa pagbabati nila ni Lucky.

Although wala pang napag-uusapang altar date, very vocal si Lucky na si Angel na nga ang pakakasalan niya.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata. After all, pareho nang nasa edad ang mag-swetheart. It’s about time they start a family.

Maraming love scenes si Angel with Echo sa LW, ‘di kaya nagseselos si Lucky?

Alessandra, ayaw munang magdyowa

KALOG, masayahin, at prangka. Ito ang younger sister ni Assunta de Rossi na si Alesandra. Opposite poles nga ang mag-utol na ito.

“Si Assunta, kasi, tahimik ‘yan at ‘di marunong makipag-away. Eh, ako, ‘di ko pinalalampas ang mga taong gusto akong pasiklaban o okrayin.  Sabi nga ni Mommy, palaban ako. Mana ako sa kanya,” sabi ni Alex na ngayo’y isa sa mga host ng Basta Everyday Happy with Chef Boy Logro, Donita Rose, at Gladys Reyes.

Kung tahimik daw ang lovelife niya ngayo’y ‘di naman siya naghahanap ng makakaromansa.” Kusang dumarating ‘yon. At saka, marami namang paraan para lumigaya ang tao. ‘Di lang dahil may dyowa siya.”

Magbalik-tanaw tayo sa buhay-pag-ibig ni Alex.  Una niyang BF si Biboy Ramirez, kasunod sinaOyo Sotto, Polo Ravales, Jeremy Marquez, at Paolo Paraiso.

Ano ba ang dreamboy niya? ”Wala. Basta ‘pag may pumorma sa’kin at nagkasundo kami, ‘yon na.”

Willie, aminadong nagka-casino

NAPANOOD namin si Willie Revillame na nag-guest sa birthday celebration ni Manay Lolit Solissa Star Talk noong Sunday.

Dito’y inamin ni Willie na nagka-casino siya. Pero. Ano ang masama kung maglibang siya at magpatalo ng milyong piso?

“Perang pinaghirapan ko ang ipinanglalaro ko.  Siyam na taon akong kumayod. Marami akong investments. Eight months akong walang show pero ang inaasikaso ko’y ang 5-star hotel na ipinatayo ko sa Tagaytay.  Kung ibinenta ko man kay Sen. Manny Villar ang aking Will Tower, ‘di dahil poor na ako … it’s because wala akong alam sa pagpapatakbo ng mall,” ani Willie.

Babalik daw siya sa telebisyon. Dahil nga umapir siya sa Star Talk, madaling isipin na baka sa Kapuso siya magkaroon ng show. Why not?  Magaling na host si Willie, marami siyang followers at laging mataas ang reyting ng kanyang mga programa at sabi nga ng mga Kano, ”you can’t put a good man down.”

Vice at Daniel, magsasama sa isang pelikula

NAKIPAG-SPLIT si Vice Ganda sa kanyang mysterious dyowa of many years. Pero ‘di raw siya lonely at handang tumanggap ng suitors at umibig muli.

Mas tutok si VG sa kanyang karir ngayon. May inihahanda raw ang Star Cinema na isang pelikulang pagsasamahan nila ng inaanak niyang si Daniel Padilla.

With Vice and Daniel, tiyak na comedy ang tema ng movie.  Maganda ito. Tiyak na box office hit.

Pussykip Club, itatayo ni Ai Ai

DAHIL siya ang endorser ng Femilift Vagina Tightening Procedure ay sinabi ni Ai Ai delas Alasna type niyang magtayo ng Pussikip Club. Eh sino-sino naman kaya ang gusto niyang kuning members kung sakali?

“Siyempre ang mga kasama ko sa ‘Dyesebel’. Sina Zsa Zsa Padilla at Dawn Zulueta. May bagong dyowa si Zsa, kaya dapat ‘pag nag-ano sila, happiness. May-asawa si Dawn, pero gusto ko happy sila ng dyowa tuwing magkasiping.”

Eh siya kaya?, Sino ang pinaghahandaan niya ng masaya at masarap na sex act?

“Wala pa.  Hopefully, dumating siya agad para malaman at maramdaman ko ang epekto ng Femilift na ginawa sa ’kin ni Dra. Belo,” sabi niya na may kabuntot na malakas na tawa.

About hataw tabloid

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *