Thursday , June 4 2026

Angelica Panganiban at Carlo Aquino, muling magtatambal sa MMK

ni  Nonie V. Nicasio

ANG dating magkasintahan na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ay muling magkakasama sa isang madamdaming episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

Limang taon na naging magkarelasyon sina Carlo at Angelica bago sila naghiwalay noong 2005. After Carlo, nakarelasyon ni Angelica si Derek Ramsay na tumagal naman ng six years. Ngayon ay going strong ang relasyon nina Angelica at John Lloyd Cruz.

Magaganap ang reunion nina Carlo at Angelica as a love team pagkalipas ng sampung taon. Huli silang nag-MMK noong September 2005 sa episode na pinamagatang Paru-Paro.

This Saturday, May 17 gaganap sa MMK si Angelica bilang si Susan, isang maybahay na masasangkot sa bawal na pag-ibig kay Andres (Carlo), ang nakababatang kapatid ng kanyang asawa. Tampok rin sa episode na idinerek ni Nuel Naval sina Wowie de Guzman, Sharlene San Pedro, Mico Aytona, Louise Abuel, at iba pa. Huwag palampasin ang onscreen reunion nina Angelica at Carlo sa longest-running drama anthology sa Asya, MMK, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …