Thursday , June 4 2026

Driver itinumba ng riding in tandem

PATAY ang 38-anyos jeepney driver makaraan barilin ng riding in tandem sa Anda Circle, Intramuros, Manila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Jhonny Mateo, 38, tubong Vintar, Ilocos Norte, residente ng Rincon Street, Malinta, Valenzuela City.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek na nakasuot ng helmet at nakasakay sa pulang Honda motorcycle, kapwa armado.

Ayon kay Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, dakong 12:45 a.m. habang minamaneho ng biktima ang kanyang pampasaherong jeep (NYC-236) na biyaheng Malanday – Pier, dinikitan siya ng mga suspek pagsapit sa Bonifacio Drive, Intramuros hanggang Anda Circile, Port Area. Pagkaraan ay biglang binaril sa ulo ng isa sa mga suspek ang biktima saka mabilis na tumakas.

– LEONARD BASILIO

(May kasamang ulat nina CAMILLE BOLOS, NIKKI-ANN CABALQUINTO, ANTONIO MAAGHOP, JR., BHENHOR TECSON, at LARA LIZA SINGSON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …