Thursday , June 4 2026

Tirador ng Bombay utas sa pulis

PATAY ang 28-anyos lalaki nang makipagbarilan sa mga kagawad ng Montalban PNP nang maaktohan habang hinoholdap ang Indian National sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng umaga .

Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang napatay na si Marlon Garcia, 28, nakatira sa Blk. 9, L-65, Phase-1D, Kasiglahan Villa ng nasabing bayan.

Ang suspek ay positibong kinilala ng biktimang si Dilbad Singh, 35, Indian national, na siyang nangholdap sa kanya.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Vladimir Dizon, dakong 8:15 a.m. nang mangyari ang pakikipagbarilan ng suspek kina SPO3 Noel Cruz at PO1 Calma nang maaktohan na hinoholdap ang biktima.

Pinakiusapan ng mga pulis ang suspek na sumuko ngunit sila ay pinaputukan kaya nagresulta ang insidente sa palitan ng putok na ikinamatay ni Garcia.

Napag-alaman, madalas na Indian national ang hinoholdap ng suspek.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …