Nawawalang epileptic natagpuang bangkay

LUMOLOBO na ang katawan ng nawawalang  20-anyos epileptic,  nang matagpuan sa isang kanal sa likod ng parada-han ng mga trak  sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang bangkay na si Rio Aringgay, 20, ng #91 Interior St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod, na nakasubsob ang mukha sa isang malalim na kanal.

Sa ulat ng pulisya, dakong 8:30 a.m., na-tagpuan ang nangangamoy na bangkay ng biktikma ng mga trabahador sa paradahan  ng mga trak, sa Luna II St., ng nasabing barangay.

Ayon kay Corazon Aringgay, ina ng biktima, Biyernes Santo ay hina-hanap na niya ang kanyang anak  hanggang ma-tagpuan ang bangkay kahapon ng umaga sa lugar.

(rommel sales)