Thursday , July 7 2022

Wowie De Guzman imposible na kay Judy Ann Santos (Tuyot na ang itsura at laos na! )

ni  Peter Ledesma

Sa isang event na isa sa performer ang dating popular na dance group na Universal Motion Dan-cers.

Nakausap ng kapwa natin entertainment press ang isa sa original na miyembro nito na si Wowie de Guzman. Say  ng dancer actor, sobrang nami-miss na niya si Judy Ann Santos na kanyang naging kalabtim during 90’s at infairness matindi ang dating ng naging tambalan noon ng dalawa. Pero sa ngayon ay mukhang imposible nang matupad ang wish ni Wowie na makatrabaho pa si Juday. Siguro puwede naman kung tatanggapin niyang suporta na lang siya ng misis ni Ryan Agoncillo pero kung nangangarap o nag-iilusyon pa rin siya para maging leading man ng actress ay imposible nang mangyari pa. Lalo na sa mga panahong ito na laos at tuyot na ang istura ng dating sikat na mananayaw na actor. Bakit ba naman kasi pinabayaan ni Wowie ang kanyang katawan. Dati-rati malakas ang dating niya pero ngayon mukhang pinandidirihan na siya ng fans. I’m honest lang gyud!

GABI-GABING TINUTUTUKAN, CELEBRITIES HOOK NA HOOK RIN SA KAKAIBANG AKSYON

SA SERYENG “THE LEGAL WIFE”

Mas umiinit ang tag-init sa gabi-gabing nagli-liyab at ‘maaksyong’ eksena sa most followed ‘TV affair’ ng bayan na “The Legal Wife” na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Maja Salvador, JC De Vera at Jericho Rosales. Sa katunayan, sa bilis ng mga pangyayari at tindi ng tensyong nagaganap sa love triangle nina Monica (Angel), Adrian (Jericho) at Nicole (Maja), maging ang mga kilalang personalidad sa iba’t ibang industriya ay bukas sa pagbabahagi ng kanilang opinyon kaugnay ng kwentong malapit sa totoong nagaganap sa mga karaniwang pamilyang Pilipino. “Ang mga tao kasi gusto nilang manood ng mga bagay na sa palagay nila ay makasasagot sa mga katanu-ngan nila sa buhay. At ‘yun ang ibinibigay ng ‘The Legal Wife’ sa viewers.

Simple lang ang istorya pero alam mo na nangyayari siya at may katotohanan ang mga ganoong bagay. Kahit sino pwedeng maka-identify sa characters ni Angel, Maja o ni Echo,” pahayag ng actress-TV host na si Janice de Belen. Tulad ni Janice, saludo rin ang aktres na si Dimples Romana sa pagiging totoo ng seryeng gabi-gabing pinag-uusapan ng buong bayan. Aniya, “Kapag nanonood ako ng ‘The Legal Wife’ nakikita ko ‘yung realidad. Nangyayari talaga ito nga-yon! Talagang napakaraming matututunan ng viewers pagdating sa pag-aalaga ng relasyon ng mag-asawa.” Para naman kina Senator Sonny Angara at kanyang misis na si Tootsie, maraming mapupulot na aral ang mga mag-asawa sa pinagdaraanang pagsubok nina Monica at Adrian ngayon. Naniniwala rin silang nagsisilbing eye-opener ang programa maging sa mga taong bahagi ng isang bawal na relasyon. “Sa mga babaeng nakikiapid, dapat isipin nila kung sino ang sinasaktan nila. Dahil hindi lang ‘yun ‘yung asawa nung lalaki, nasasaktan din nila pati ‘yung pamilya ng mag-asawa,” ani Tootsie kaugnay ng karakter ni Maja na si Nicole na kamakailang inamin na hindi lamang simpleng ‘one night stand’ ang naganap sa kanila ni Adrian, ang mister ng kanyang bestfriend. Tuluyan na bang mahuhulog sa patibong ng bawal na pag-ibig sina Adrian at Nicole? Paano ipagtatanggol ni Monica ang kanyang pamilya laban sa anumang pagsubok na haharapin nilang mag-asawa? Huwag magpahuli sa most followed ‘TV affair’ ng bayan, “The Legal Wife” pagkatapos ng “Ikaw Lamang” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa Facebook.com/thelegalwife2013, Instagram.com/iam_thelegalwife, at Twitter.com/IAmTheLegalWife.

Kalahating Milyong Piso  Napanalunan Ng Tinanghal Na Grand Winner Sa Pautakan Ng Junior Pinoy Henyo

Anim na pares ng mga estudyante na mula iba’t ibang School, na nais masungkit ang kalahating milyong pisong premyo, ang mga naglaban kahapon sa Grand Finals ng Pautakan sa Junior Pinoy Henyo sa Eat Bulaga. At sila ay sina Jedi at Sean kasama ng kanilang coach na si Ma’am Chona Ortega ng Marikina Elem School, JM and Joy with coach Ma’am Vina Tiglao from Pembo Elem School(Makati), Inna at Me-Ann at coach na si Ma’am Eufemia Stupin ng Timoteo Paez Elem School(Pasay), mga representative ng Batangas State University na sina Andrei at Dana at coach na si Ma’am Charina Gozano, Ben at Erika na pambato naman ng Paco Catholic School na sinamahan ng kanilang coach na si Ma’am Annie Gozon at ang huling grand finalist na sina Anne at Sophie ang tinanghal na Grand  Winner kahapon sa Pautakan sa Junior Pinoy Henyo. Tumatagin-ting na kalahating milyong piso plus Junor Pinoy Henyo Trophy ang napanalunan nina Sophie at Anne na kahanga-hanga ang pagiging listo at katalinuhan.

Tatlo sa mga nagsilbing judges sa nasabing grand finals ay sina Dabarkads Pia Guanio, respetadong newscaster host na si MikeEnriquez at mula sa Department of Education na si Mr. Abelardo Medis.

 

About hataw tabloid

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply