Thursday , June 25 2026

Garbo admin, VK-less; Valmoria admin, VK balik-operasyon?

HINDI naman natin sinasabing walang kuwentang hepe ng National Capital Regional Office (NCRPO) si Director Carmelo Valmoria ngunit bakit kaya simula nang palitan niya si C/Supt. Marcelo Garbo ay parang kabuteng nagsulputan ang operasyon ng illegal gambling sa buong Metro Manila.

Unahin natin ang inirereklamong nagkalat na mahigit sa 100 video karera sa teritoryo ni Taguig Mayor Lani Cayetano. Taguig take note Valmoria ha. Ang opisina mo ay nasa AOR din ng Taguig.

Noong panahon ni Garbo, natigil ang VK sa Taguig. Walang VK dahil nga ayaw ni Garbo pero may nagtangkang nagpa-VK sa Taguig pero agad na ipinahuli ito ni Garbo. Tinangka pa uli ng mga operator, ipinahuli uli ni Garbo hanggang sumuko ang mga operator.

Pero ngayon (panahon ni Valmoria) hayun, maluwag nang nakapagpabe-VK sa bawat sulok ng Taguig sina alyas police officers J. L. Aurel,  alyas Pulis Jun L., alyas Sa Kim, at alyas PA Juting na kapwa nagyayabang na malapit sila sa mga Cayetano.

Naku…tsk…tsk…gamit na naman ang mga Cayetano nito.

Ngunit sa kabila ng pagkabuko sa  mga nabanggit na pangalan na sa kanila ang VK sa Taguig, kanilang ginagamit pa rin bilang prente ng kanilang  VK ang isang alyas “Boy Intsik” o alyas “Eric.”

Iniyayabang pa nga ng mga VK operator na bukod sa malakas sila sa Office of the Mayor. Take note Mayora Lani, ginagamit ka ng mga hunghang, ay malakas din daw sila sa NCRPO.

NCRPO? Ibig bang sabihin ng mga bugok ay malakas sila kay Valmoria? Kung hindi naman, e ba’t  kaya namamayagpag ang VK sa Taguig kung nasaan din ang Camp Bagong Diwa na kinatatagpuan ng opisina ni Valmoria?

Gen. Valmoria, kahit magtanong ka riyan sa mga taga-NCRPO. Noong panahon ni Garbo, pahirapan ang paglatag ng VK pero ba’t ngayon panahon mo ay namamayagpag uli ang VK sa Taguig?

Uli, ayaw ko naman sabihin na may basbas si Valmoria sa mga VK sa Taguig pero bakit tila  hindi niya ipinahuhuli?

VK nina Gina at Romy

sa Maynila

Gayundin sa Maynila, namamayagpag din ang VK ng magsanggang-dikit na Gina at Romy. Saan man sulok ng Maynila ay may VK ang magpakner. Hayun tulad ng mga hunghang sa Taguig, ipinagyayabang  nina Gina at Romy na may basbas ang NCRPO sa kanilang operasyon.

Naku Gen. Valmoria, mukha yatang may gumagamit ng pangalan mo sa pagbibigay basbas sa tandem na Gina at Romy sa Maynila kaya open na open ang kanilang VK sa lahat ng sulok ng Maynila.

Pero teka, sabi ni Pangulong Mayor Erap noon o nang maupo siya sa Maynila na kanyang susugpuin ang lahat ng sugal sa Maynila pero, anong nangyari sa pangako Mr. Pangulong Mayor Erap?

“Dok Leng” sa Pque naman!

Sa Paranaque City din Mr. NCRPO chief, namamayagpag din ang VK ni alyas “Jack Dok Leng” maging ang jueteng ng tandem na alyas “Joy” at alyas “Jojo.” Sino ba ang hepe ng pulisya dito? Inutil ba ang mama? Abangan!

Sakla ni Mario Bokbok

sa Malabon

Alyas “Mario Bokbok,” matagal ko nang naririnig ang pangalan ng mamang ito – nairereklamo na rin sa atin ito noon pa man, pero siyempre pinakapa muna natin kung positibo ang operasyon ng mama.

Hayun, totoo ngang namamayagpag uli ang saklaan ni alyas Mario Bokbok sa Malabon.

Gen. Valmoria, ano na iho!? Gising na! Noong panahon ni Garbo wala o patago ang mga operasyon ng mga pasugalan pero ba’t ngayon pamahon mo e, ke luwag-luwag ng operasyon. Bakit kaya mga suki?

Ops, inuulit natin, hindi ko naman sinasabing may basbas si Valmoria sa mga ilegalista pero, ba’t …namamayagpag uli sila?

***

Para sa inyong komento, suhestiyon at sumbong, magtext sa 09194212599.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak copy

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak

BABALIK sa pinagmulan nito ang taunang Batang Pinoy matapos italaga ang Bacolod City bilang host …

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …