Saturday , October 1 2022

Paulo, ‘di susukuan ang panliligaw kay KC! (Kahit malayo at nag-aaral)

ni Reggee Bonoan

MASARAP ng kausap ngayon si Paulo Avelino dahil madaldal na siya hindi katulad dati na nakakailang tanong ang entertainment media bago niya sagutin o kaya naman ay puro paiwas at pakiusap na ayaw niyang pag-usapan lalo na ang personal niyang buhay.

Ito ang naobserbahan sa aktor sa finale presscon ng Honesto kasama sina Raikko Mateo at Cristine Reyes na hindi na aloof ang binatang ama.

Natawang sabi ni Paulo, “honest naman ako. Kumbaga, noong mga nakaraang taon, I just didn’t know how to communicate. Isa ‘yon sa mga what I constantly practice now.

“I wanna be more open to the press. Dito sa show na ‘to, I’m being honest.

“Hindi lang honest tungkol sa pera, sa mga materyal na bagay, pati sa totoong nararamdaman. We should always be honest with how we feel.

“Kumbaga, huwag mong itatanggi ang mga nararamdaman mo. I always try to be honest naman noon pa.

“Isa ‘yan sa mga trait na ipinasa sa akin at itinuro sa akin ng mga magulang ko.

“Pero kumbaga, ang dami ko lang din na-realize at parang mas lumaki ‘yong scope ng nalalaman ko about honesty.

“Kumbaga, it’s a way of giving back din sa mga tao kasi gusto naman nila na may malaman sa personal na buhay namin at ‘yon naman po ang ibinibigay namin,” paliwanag ng aktor

Dati raw kasi ang pagkakaintindi ng tatay ni Honesto, “kumbaga, dati kasi, it’s just about acting lang talaga ‘yong focus ko. Kumbaga, I just wanna act, bakit kailangang malaman pa ng mga tao ang personal kong buhay?

“Pero ngayon, na-realize ko na it’s a different thing. Kumbaga, parte na ng pagiging aktor ko ‘yon. They see you on TVs, they’d want to know who you are.

“They want to kniw small things about my life. I’m honest. Hindi ko lang sinasabi ang lahat pero honest naman ako,” katwiran ni Paolo.

Mabuti naman at nagising na si Paulo, at least ngayon ay mamahalin na siya ng entertainment press ‘yun lang naman ang gusto namin, maging honest at sincere at higit sa lahat, magalang, di ba ateng Maricris?

Samantala, inamin din ni Paulo na talagang mega-effort siya sa panliligaw niya kay KC Concepcion na kasalukuyang nasa Amerika ngayon at nag-aaral.

Kuwento ni Paulo, “may effort pa rin. Sinabi ko naman dati sa TV ‘yon, that I was dating her. Now, pareho po kaming busy. Ngayon, I’m doing soap here and she’s in the U.S. taking classes.

“Although, we still communicate. Siguro, masasabi ko po ngayon na I’m inspired. Nagko-communicate pa rin naman po.”

Hindi man gaanong nag-elaborate pa kung ano ang mga pinag-uusapan nina Paulo at KC, at least umamin na rin ang aktor na talagang hindi niya tinitigilan ang dalaga.

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply