Thursday , June 4 2026

Sonsona giniba si Shimoda sa 3rd

HINDI binigo ni Pinoy sensation Marvin “Marvelous” Sonsona ang kanyang fans nang  patulugin ang dating kampeon ng mundo na si Akifumi Shimoda ng Japan sa 3rd round.

Isang matinding uppercut ang tumapos sa hapon na sinaksihan ng “jampacked Venetian crowd” na karamihan ay mga Pinoy.

Sa naging panalo ni Sonsona ay nakamit niya ang bakanteng WBO International featherweight title.

At dahil sa impresibong panalong iyon ay posibleng mahanay muli si Sonsona sa pandaigdigang laban sa titulo ngayong taon.

Sa unang dalawang rounds ay tipong si Shimoda ang nagdala ng laban nang magpakawala ito ng mga matitinding suntok. Sa pagkakataong iyon ay nasa defensive mode ang dating kampeon ng mundo na si Sonsona.

Inaakala ng  mga nakapanood na patuloy na dodominahin ni Shimoda ang mga susunod pang rounds nang biglang dumating ang malaking pasabog ni Sonsona na uppercut na nagpatimbuwang kay Shimoda.

Si referee Danrex Tapdasan ay hindi na bumilang pa nang makitang halos walang malay sa canvas ang Hapon na boksingero.

Sa panalo ni Sonsona ay nag-imprub ang kanyang record sa 18 wins, 1 loss at 1 draw na may 15 KOs.  Samantalang si Shimoda ay bumagsak sa 24-8-2 (12 KOs).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …