Friday , May 17 2024

Lady Eagles, Lady Falcons pataasan ng lipad

PATAASAN ng lipad  ang Ateneo Lady Eagles at Adamson University Lady Falcons sa semifinals step-ladder match ngayong hapon sa nagaganap na 76th UAAP women’s volleyball sa The Arena, San Juan.

Maghahatawan sa unang step-ladder ang No. 3 Ateneo at No. 4 Adamson upang harapin ang No. 2 National University Lady Bulldogs na sagpang ang twice-to-beat advantage.

Nag-aabang naman ang three-time defending champions De La Salle Lady Spikers sa Finals matapos nilang walisin ang 14-game eliminations round.

Nabago ang format na No. 1 vs No. 4 at No. 2 laban sa No. 3 para sa semifinals  dahil sa tinarak na 14-0 ng Lady Spikers kaya dumiretso agad sila sa Finals bitbit ang insentibong thrice-to-beat.

Lumaylay sa top four ang Adamson nang matalo sila sa kanilang pang-14 na laro kontra University of Sto . Tomas Tigresses, 23-25, 18-25, 25-23, 15-25.

Laking pasasalamat na lang ng Lady Falcons dahil tinalo ng Lady Eagles ang Far Eastern University Lady Tamaraws upang magkaroon sila ng rubber match para sa pang-apat na puwesto.

Sa tie-break game dinagit ng Lady Falcons ang 25-17, 23-25, 23-25, 25-13, 15-11 laban sa Lady Tams.

Hindi maitago ni Adamson coach Sherwin Meneses ang kanyang saya nang makuha ng kanyang mga bataan ang deciding fifth set.

“Kahit pa five sets OK lang, ang mahalaga manalo,” wika ni Meneses.

Humataw ng 25 points, 24 attacks at isang block si Shiela Pineda para sa Adamson  habang nakakuha ito ng suporta kina Mayette Zapanta (14pts.), Amanda Villanueva (12pts.) at Faye Guevarra (11pts.).

Tumapos ang Lady Bulldogs ng 12-2 win-loss card, 10-4 ang Lady Eagles at 6-8 ang Lady Falcons.

Samantala, bago ang 4:00 P.M. encounter ng Lady Eagles at Lady Falcons,  maghaharap muna sa men’s division ang Ateneo Blue Eagles at FEU Tamaraws sa alas dos ng hapon.

Kakapitan ng No. 2 Ateneo ang twice-to-beat bentahe upang makasampa sa Finals kontra sa mananalo sa pagitan ng No. 1 at defending champions NU Bulldogs at No. 4 Adamson Falcons.

Twice-to-beat din ang NU. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *