Sunday , June 23 2024

Rep. Haresco, 4 pa kakasuhan sa SARO scam

INIREKOMENDA ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kasong pamemeke ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa Region 11 at Region XI laban sa limang opisyal kasama na ang isang driver ng Department of Budget and Management (DBM).

Kabilang sa pinakakasuhan sa isinagawang imbestigasyon ng Anti-Graft Division (AGD) ng NBI ay sina Emmanuel Raza, staff ni Zamboanga City Rep. Li-lia Macruhon-Nuno dahil sa paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code ng RA No. 3019; Elvie Rafael, driver ni DBM Undersecretary Mario Relampagos na kinasuhan ng falsification of public documents; Bernie Beltran, mula sa DBM, falsification of public documents; Mary Ann V. Castillo, consultant ni Aklan Lone District Rep. Teodorico Haresco, Jr., kinasuhan ng paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree No. 1829; at gayondin si Rep. Haresco, Jr., dahil sa falsification of public documents.

Kaugnay nito, inaasahang maghahain ng transmittal letter ang NBI para sa preliminary investigation sa DoJ o Office of the Ombudsman.

Kaugnay nito, iniha-yag ni Justice Secretary Leila de Lima noong Dis-yembre 2013, natukoy na ng NBI ang pagkakakilanlan ng binansagang “Supremo” na sinasabing pinuno ng “Xerox Gang” sa likod ng pamemeke ng SARO sa tanggapan ng DBM. Nadiskubre sa Region 2 ang pekeng SARO na sinasabing inilaan para sa farm-to-market road projects ngunit sa pagsisiyasat ng NBI, lumutang na nakarating din ang mga pekeng SARO sa iba pang rehiyon.

About hataw tabloid

Check Also

knife saksak

Sinaksak ni Tibo
WAREHOUSE STAFF, SUGATAN

GRABENG nasugatan ang isang warehouse staff matapos saksakin ng kapitbahay na babae na kanyang nakatalo …

dead gun police

Robbery suspect patay 2 pulis grabeng sugatan

PATAY ang isang robbery suspect habang dalawang pulis ang sugatan sa isang enkuwentro sa lungsod …

airplane

Sex convict nagtangkang pumasok sa PH huli ng BI

MULING NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport …

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *