Sunday , June 23 2024

13-anyos student athlete naospital sa boksing

ISINUGOD sa pagamutan ang 13-anyos estud-yante sa Antique na sasabak sana sa Regional Athletic Meet ng Department of Education (DepEd), matapos tamaan ng suntok sa ulo habang naghahanda sa lalahukang palaro na boksing.

Ayon sa ulat, naki-kipag-sparring ang mag-aaral bilang paghahanda sa kompetisyon sa Linggo.

Ngunit tinamaan ang kaliwang bahagi ng ulo ng mag-aaral kaya siya nahilo at sumuka.

Agad isinugod sa ospital ang bata at ngayon ay sinasabing mabuti na ang lagay.

Ayon sa division sports coordinator ng DepEd-Antique, aksidente ang nangyari at nagbigay na rin sila ng tulong para sa pagpapagamot ng biktima.

Nitong  nakaraang  Disyembre, pumanaw matapos ma-comatose ang 16-anyos na si Jonas Joshua Garcia, fourth year high school student mula sa San Miguel, Bulacan, na sumabak sa boksing sa palarong inorganisa ng DepEd-Zambales.

Tutol ang boxing sector sa ginagawa ng DepEd dahil mahigpit umanong sinasabi sa batas na dapat ay lisensiyadong boxing trainer ang dapat magsanay sa mga athlete.

About hataw tabloid

Check Also

knife saksak

Sinaksak ni Tibo
WAREHOUSE STAFF, SUGATAN

GRABENG nasugatan ang isang warehouse staff matapos saksakin ng kapitbahay na babae na kanyang nakatalo …

dead gun police

Robbery suspect patay 2 pulis grabeng sugatan

PATAY ang isang robbery suspect habang dalawang pulis ang sugatan sa isang enkuwentro sa lungsod …

airplane

Sex convict nagtangkang pumasok sa PH huli ng BI

MULING NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport …

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *