Saturday , October 1 2022

Death Penalty ibalik laban sa mga kriminal!

00 Bulabugin JSY
MULI na namang nabuhay ang isyu ng pagbabalik ng DEATH PENALTY bilang capital punishment sa mga taong nakagawa/gumawa ng karumal-dumal na krimen.

‘Yan ay sa gitna ng mga nagaganap na pamamaslang ng mga riding in-tandem, rape-slay sa mga menor de edad, nakawan at walang takot na tulakan (bentahan at proliferation) ng droga.

Hindi na nga malaman ng mga awtoridad kung ‘yung riding in-tandem na ‘yan ay hired killers, pulis o vigilante.

Karamihan din sa mga pamamaslang na nagaganap ay sinasabing drug related.

Isa sa mga panukalang batas sa pagbabalik ng death penalty ay ini-sponsor ng magkapatid na mambabatas na sina Rep. Rufus Rodrigues at utol niyang si party-list Rep. Maxie Rodriguez.

Death penalty ang isinusulong nilang parusa sa sino mang DAYUHAN na mahuhuling sangkot sa illegal na droga.

Ganyan sa China, Singapore, Malaysia at iba pang bansa ‘di ba? Outright death penalty pagkatapos litisin at napatunayang nagkasala sa kanilang anti-illegal drug law. Sorry na lang, kahit saang nasyon ka pa galing, BITAY talaga kapag napatunayan na nilabag ang batas nila.

Ganyan ang layunin ng panukala ng magkapatid na Rodriguez, bitay sa mga dayuhang drug courier.

Pabor tayo d’yan. Lalo na nga’t karamihan ng nagaganap na pamamaslang lalo na ‘yung rape slay ay drug related cases.

Sa totoo lang, dito lang naman sa bansa natin nagiging talamak ang ganyang mga kaso kasi nga sa ibang bansa, ang pagpapatupad nila ng batas ay deterrent sa paggawa ng mas malalang krimen.

Kalimutan na po muna natin ‘yang PRO LIFE, PRO LIFE, dahil kahit naman po ‘yung Dakilang Lumikha, ayaw niyang tino-tolerate natin ang pang-aagrabyado sa kapwa.

Kaya nga naging talamak ‘yang ilegal na droga na ‘yan dahil walang deterrent ang pagpapatupad ng ating batas laban sa mga kriminal.

Kung magkakaroon pa ng plebisito, ako po mismo ay mangangampanya, BITAY laban sa mga sangkot sa ILEGAL na DROGA!

CHINESE DIPLOMAT INI-EXCLUDE NG BI  MONITORING OFFICER  (TCEU) AT SUPERVISOR
(ONLI IN DA FILIPINS!)

HINDI kaya magkaroon na naman ng malaking isyu sa relasyon ng China at Philippines dahil sa isang nakahihiyang sitwasyon na naranasan ng isang Chinese Diplomat sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal 3 kamakailan.

Dapat din sumailalim sa re-training si Immigration Supervisor Lyn Austria at Immigration Officer Joan Ruiz matapos magpakita ng kaignorantehan sa pagpo-profile ng mga pasahero sa airport.

Nitong Enero 6, isang Chinese diplomat na kinilalang si Zheng Wanming, ang dumating sa bansa mula sa Shanghai China.

Si Zhen Wanming, may passport no. G 58248273

SN 446268, ay isang foreign government official na nagpunta sa bansa para tumulong sa mga biktima ng Yolanda.

Kung properly coordinated, dapat ay mayroong itinalagang tao para sumalubong sa kanya o mag-asikaso. Pero hindi ganito ang nangyari.

Gayon pa man, mayroong nakalagay sa kanyang passport na siya ay “Foreign Government Official” at mayroong 9 (e-2) kaya supposedly ay dapat bigyan siya ng kortesiya.

Pero nang mapansin ng isang Immigration monitoring officer na si IO Joan Ruiz na walang ‘return tickets’ ay agad ini-exclude ‘yung Chinese diplomat.

Sinang-ayonan din ni Supervisor Austria, dahil nang interbyuhin daw ay hindi makapagsalita ng tamang English kaya ini-hold ang nasabing pasahero.

Anak ng tokwa!!!

Kung hindi pa tumawag ang Chinese ambassador kay Immigration Comm. Fred Mison ay hindi pa makalalabas ang Chinese official sa airport.

WTF!!!

Dahil dito, nalagay talaga sa isang malaking kahihiyan ‘yung Chinese diplomat.

Pero mas naging kahiya-hiya umano ‘yung Immigration monitoring officer at ang kanyang supervisor dahil lumalabas na wala pala silang alam sa trabaho nila!?

Hindi nila alam na kapag 9 (e-2) visa ay hindi na kailangan ng airline return ticket dahil sa kanilang estado o pwesto sa gobyerno.

Pero mukhang hindi raw ito alam ni Ruiz at ng kanyang supervisor.

Sa totoo lang, hindi lang si Ruiz at ang kanyang supervisor ang nalagay sa kahihiyan kundi ang buong taga-Immigration na nakatalaga d’yan sa BI-NAIA.

Kumbaga, pati sila nadamay sa kahihiyan.

Tama ba ako BI-AOD Head Ms. Marie Vitan!?

Mukhang kailangan ipa-kastigo ni Immigration Commissioner Siegfred Mison sa BI Board of Discipline ang dalawa.

Tsk tsk tsk…

HIRE & KEEPS MANAGEMENT GINIGIPIT ANG AIRPORT PORTERS!?

KAYOD kalabaw na ngayon ang mga airport porter ng H & K dahil tinaasan ang kanilang quota sa 50 bagahe bawat isa kada duty nila.

Samantala ang tinatanggap lamang nilang suweldo ay P600 lang mula sa 12-hours work.

Kahit ipinatupad na rin ng H & K na lahat ng bagahe ng incoming at outgoing passenger ay may bayad na $1 per piece, ultimo handcarry bag ay may bayad na.

Ang siste nito, umaangal ang mga porter sa kayod alipin na pagtatrabaho para kumita lang ang kanilang kompanyang H & K.

Bukod rito, nagtalaga ang H & K ng dalawang spy na pawang organic employee ng MIAA na umiikot sa NAIA Terminals 1, 2, 3 at 4 sakay ng safety marked vehicle.

Hindi umano inspection tour ang lakad ng dalawang MIAA organic na nakilala lamang sa pangalang alias “Rico Mambo” at “Alexander D’Great” kundi “orbit.”

Kadalasan kapag dumadalaw ang magka-tandem ay nagpapakuha ng panglamon ‘este’ meryenda pero wala namang perang iniaabot sa napagtripang porter na kanilang makursunadahan utusan.

Sonabagan!!!

Ang palaging sinasabi at itinuturo nina RM at ADG ay napaguutusan lamang sila ni Engineer Ric Medalla.

WTF!!!

Meaning, si Engineer Medalla ang behind sa mga ginagawa nilang operasyon o pag-iikot?

Totoo ba ‘to ‘padi!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply