Wednesday , October 20 2021

Bagong Umaga, Bagong Pag-asa, konsiyerto para sa biktima ni Yolanda

https://www.facebook.com/events/636237956418908/?ref=22

120513 bagong pagasa

MAGSASAMA-SAMA ang mga kilala at iginagalang na musikero ng bansa sa Disyembre 14, Sabado, para sa walang humpay na awitan at tugtugan na laan para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang konsiyerto ay may titulong Bagong Umaga, Bagon Pag-asa na gaganapin sa Pagcor Theater, Casino Filipino,Paranaque (opposite NAIA Terminal 1), 7:00 p.m.

Ang Bagong Umaga, Bagong Pag-asa ay isang fundraising concert para makalikom ng pondo at donasyon na ibibigay sa representative ng Philippine National Red Cross (PNRC) na iimbitahan din sa gabi ng konsiyerto. Sina Ms. Francine Prieto at Mr. Bob ‘Blues’ Magoo ang magsisilbing emcee sa gabing iyon. Pangungunahan naman ni Faith Cuneta ang pagbibigay ng magagandang awitin kasama rin sina Pop Rock Prince Mark Mabasa; Arthur “The Crooner” Mauntag; Classic Diva Fame Flores; Marc ‘Ordinary Song’ Velasco; Jodgrad Dela Torre; Romy Jorolan; Henry Katindig, at Jeannie Tiongco.Kasama rin ang legendary band ng Toto Ealdama and the Moonstrucks; Darius Razon; Edgar Opida; Bobby Mondejar and Friends; Albert Depano; Jesse ‘Banyuhay’ Bartolome; Atty. Bong  Baybay;  Gabby Cristobal; Aurora Beng Karganilla;The Rhythm of 3; Francis Bax; Gene Lucena; Leonard de Leos; Roy Zulueta; Carlo Magno; Lander Blanza; at ang Nortstar Band; Bong Jadloc; Karaoke World Champions JV Decena at Lilibeth Garcia; Pilipinas Got Talent Finalist Lucky Robles, World  Competition of Performing Arts (WCOPA) Champions Marielle Mamaclay; Lady Onnaga; Joshua Marquina, at marami pang iba.Ang tiket ay nagkakahalaga lamang ng P500. Kaya nood na mga kapatid.

 

About hataw tabloid

Check Also

Carlo Katigbak, ABS-CBN, PMPC, Star Awards

Wagi pang Best Station at Silver Medal sa NY Festivals
ABS-CBN LEHITIMONG TV STATION PA RIN KAHIT WALANG PRANGKISA AT IPINASARA

HATAWANni Ed de Leon KUNG iisipin mo, technically, ang ABS-CBN ay hindi na isang TV station, dahil simula …

JM de Guzman, Sylvia Sanchez, PMPC, Star Awards

JM, SYLVIA WINNERS SA STAR AWARDS FOR TV

ISANG malaking tagumpay ang virtual awarding ng 34th Star Awards for TV na ipinalabas noong October 17 sa STV at RAD …

Sheryn Regis

SHERYN MAGPAPASABOG NG PAG-IBIG AT PAG-ASA SA LOVE UNITED

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HANDA nang magpasiklab si Sheryn Regis sa kauna-unahan niyang digital concert na Love United, …

Colin Powell

First Black American Secretary of State
COLIN POWELL PATAY SA COVID-19 COMPLICATIONS

BINAWIAN ng buhay si Colin Powell, isang retired four-star general na naging kauna-unahang Black US …

Covid-19 fully vaccinated senior citizen

FULLY VACCINATED SENIOR CITIZENS, PUWEDE NANG ‘MAGLAMYERDA’

PINAPAYAGAN na ang mga fully vaccinated senior citizen na makalabas ng bahay at makapasyal sa …

Leave a Reply