Thursday , June 4 2026

Pamaskong padyakan ng Kyusi sa Linggo na

MATAPOS ang matagumpay na padyakan noong nakaraang Linggo ng isang Trial  bikefest, na pumalit muna sa isang mas malaking padyakan, opisyal nang hahataw ang pinakaantay na “Pamaskong Padyakan sa Kyusi Circle” sa darating na Linggo, Disyembre 8.

Dahil sa dagsang kaganapang nangyayari sa paligid ng Quezon Memorial Circle, Elliptical Road, Lungsod Quezon tuwing weekend, naobliga ang mga punong-abalang sina    Antonio “Loy” Cruz, pangulo/GM ng WESCOR Transformer Corp. Ronnie Emata Quezon Circle Bikers at Philip dela Cruz ng Holy Cross Cycling Club, na alpasan  muna ang isang Trial Run bilang paghahanda sa tampok na kumpetisyong matutuloy na rin  sa darating na Linggo.

Naging matagumpay naman ang Trial Race, na kung saan ang pambato ng Tatalon Cycling Club, na si Boy Cuntador, ang siyang nag-kampeon sa Masters A, kabuntot ang pumangalawang si Kiko Valenzuela, na ama ng sikat na siklistang  si Irish Valenzuela.

Nakatanso naman si Bobet Baldomero, pumangapat si Rodolfo Casas at pang-lima si Percy Arcega sa kaganapang masayang pinamunuan  nina  Cruz, Emata  at  dela Cruz, na nagkaloob ng salaping gantimpala sa mga  siklistang nagsipanalo.

Sa huling laban ng mga kasapi sa Masters B, Nangibabaw si Reynaldo Guevarra, kasunod sina Alfredo Rivera, Richard Aureda Joe Duenas at Gil Espiritu, upang mapasama sa mga kinilalang siklista.

Aabutin ng hanggang Disyembre 15 ang pagtatapos ng dalawang araw na padyakan, na may isang Exhibition Race para sa mga ehekutibong siklista, maglalaban din  ang mga nasa  Masters A (18-35-yrs.), Masters B (36-up) at  ang pinakaaabangang Elite / Open Category.

Sasampa sa   halagang P300,000 ang  salaping gantimpalang ipamamahagi sa huling tatlong kategoryang mga nabanggit, samantalang mga pasadyang tropeo naman ang ipamamahagi sa mga mangingibabaw  na ehekutibo, kasama ang bigay ni PNP chief Allan Purisima.

Upang makalahok at maging kaagapay sa hagibisang ito, makipagugnayan sa teleponong may bilang na  983-0178 at 0998-275663.

(HENRY T.VARGAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …