Thursday , June 4 2026

Tsina sisikaping makapasok sa FIBA World Cup

TATANGKAIN ng Tsina na maging isa sa mga wildcard na entries para sa 2014 FIBA World Cup na gagawin sa Espanya.

Pormal na nagsumite ng aplikasyon ang mga Intsik na makapasok sa torneo pagkatapos na matalo sila sa quarterfinals kontra Chinese Taipei sa huling FIBA Asia Championships na ginanap dito sa Pilipinas noong Agosto.

Bukod sa Tsina, tatangkain ding makapasok bilang wildcard ang Qatar, Nigeria,  Bosnia at Herzegovina, Finland, Germany, Greece, Israel, Italy, Poland, Russia, Turkey, Brazil, Venezuela at Canada.

Apat lang na wildcard ang ipapasok sa FIBA World Cup kasama ang punong abalang Espanya, Estados Unidos, Gilas Pilipinas, Iran, South Korea, Australia, New Zealand, France, Lithuania, Croatia, Slovenia, Ukraine, Serbia, Mexico, Puerto Rico, Argentina, Dominican Republic, Angola, Egypt at Senegal.

Ihahayag ng FIBA ang apat na wildcard sa Pebrero ng susunod na taon, kasama na rito ang pagkaroon ng loterya para malaman kung ano ang magiging groupings ng torneo na gagawin mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14 ng susunod na taon.

Kung makakapasok ang Tsina, malamang ay makakalaban nila ang mga Pinoy na hindi nangyari noong FIBA Asia.

Sa panig ng Gilas, inaayos ngayon ni coach Chot Reyes ang iskedyul ng mga tune-up na laro ng kanyang koponan kontra sa mga bansang kasali na sa FIBA World Cup.

Todo-suporta ang PBA sa Gilas kaya inayos ng liga ang iskedyul ng bagong season para may pagkakataon ang national team na maghanda nang husto para sa FIBA World Cup.               (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …