Thursday , June 4 2026

4 na malalaking pakarera ng PHILRACOM sa pagtatapos ng 2013

Apat na malalaking pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang nakalinya ngayong buwan ng Nobyembre at Diseyembre sa pagtatapos ng taon 2013.

Unang aarangkada ang 1,000 meters na Grand Sprint Championship na may nakalaang P1-milyon sa Nobyembre 10 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.

Maghaharap ang pitong kalahok na sina Fierce and Fiery, Si Senior, Don Albertini, Lord of War, C Bisquick, Tiger Run at Sharpshooters.

Susundan ito sa Nobyembre 17 ng Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup sa Malvar, Batangas na may papremyong P2-milyon.

Dito, inaabangan ang malaking laban ng Hagdang Bato, Crusis at Juggling Act.

Sa Disyembre ay nariyan ang P1 milyon na papremyo para sa Grand Derby bago ang Juvenile Championship na may papremyong P2.5 milyon.

Inaasahan na walong magagaling na contender ang maghaharap sa naturang karera na kabibilangan ng Matang Tubig, Young Turk, River Mist, at  Mr  Bond, Marinx, Kukurukuku Paloma, Up and Away at Skytway na pawang naglaban-laban sa katatapos na Juvenile Stakes race.

Kabilang din sa paghahandaan ng mga naturang mananakbo ang Chairman’s Cup sa 2014 bago ang 2014 Triple Crown Championship.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …