Thursday , June 4 2026

Mayor Abalos bantulot sa Cujuangco Cup

Hanggang ngayon bantulot pa ang kampo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos kung ilalaban si Hagdang Bato sa darating na Ambasador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup na gaganapin sa Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar,Batangas.

Pero tiniyak ng alkalde na itatakbo niya sa 2013 Presidential Gold Cup si Hagdang Bato  na gaganapin sa bakuran ng Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Ganun pa man, hindi pa rin dapat mawalan ng pag-asa ang mga tagahanga ni Hagdang Bato dahil wala pa naman nagdedeklara sa mga interesadong tumakbo sa Cojuangco Cup na may nakalaang papremyong P2-milyon.

Inaabangan ng Bayang Karerista ang paghaharap  ang dalawang magaling na  manananakbo sa hanay ng lokal at imported na mananakbo ang Hagdang Bato at Crusis.

Ang naturang pakarera ay gaganapin sa Nobyembre 17 sa MMTC sa distansiyang 2,000 meters na may P1.2 papremyo para sa mananalo.

Nakatutok ngayon si Mayor Abalos para sa pagdepensa sa titulo para sa Presidential Gold Cup sa ikalawang pagkakataon sa buwan ng Disyembre.

Asahan ninyo na ipaaalama agad naming  sa pitak na ito kung magkakaharap ang Hagdang bato at Crusis sa Cojuangco Cup na siyang mahigpit na binabantayan ng Kontra-Tiempo.

oOo

Kaabang abang ang nalalapit na pag-arangkada ng Sprint Championship sa  San Lazaro Leisure Park ngayong darating na  Nobyembre 10 sa Carmona, Cavite.

Ilan sa masasaksihan na tatakbo ang C Biscuick, Si Senior at Fierce and Fierry na siyang magiging tampok sa karera.

May nakatayang P1-milyon papremyo para sa 1,000 meters na itinakdang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa unang Linggo ng Nobyembre.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …