Thursday , June 4 2026

Tagaytay-Phils nagtala ng 4-0 win (Asian Cities Chess)

TAGAYTAY CITY—Malakas na binuksan ng koponan ng Tagaytay-Philippines ang kanilang kampanya sa 2013 Asian Cities Chess Team Championship na mas kilala sa tawag na Dubai Cup nang kanilang itarak ang 4-0 victory kontra sa tenth seed Erdenet, Mongolia dito sa Tagaytay International Convention Center nitong  Linggo.

Giniba nina Grandmasters Oliver Barbosa, Mark Paragua, John Paul Gomez at Darwin Laylo ang kani-kanilang Mongolian rivals para ikamada ang isa sa limang shutout wins sa opening day para ihatid ang top-seeded Filipinos sa early leaders sa event kung saan ay punong abala si Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, ang Fide Asian Zone 3.3 president katuwang ang kanyang maybahay na si mayor, Dr. Agnes Tolentino at ng Tagaytay city council.

Pinisak ni Barbosa (ELO 2567) si International Master Namkhai Battulga (ELO 2396) matapos ang 46 moves ng Slav defense sa board one para pangunahan ang Filipino sa pananalasa.

Kinaldag ni Paragua (2571) si Oyunbold Bilegsaikhan (ELO 2071) matapos ang 48 moves ng Sicilian defense sa board two.

Giniba naman ni Gomez (2511) si Choidog Ganbold (2171) matapos ang 53 moves ng King’s Indian defense sa board three, habang angat si Laylo (2497) kay Shagdarsuren Turbat (2035) matapos ang 28 moves ng Gruenfeld defense sa board four.

Ang impressive win ng Filipinos ay nagbigay daan sa early collision kontra sa 6th-seeded  Sharjah (UAE) sa second round scheduled nitong Lunes.

Binanderahan ang Sharjah (UAE) nina GM Salem A.R. Saleh (2567), IM Omar Noaman (2388), FM  Alhuwar Jasem (2256) at Abdulla Al Tahir (1967) sa pagdurog sa 15th-seeded Seoul (Korea), 4-0, na kinabibilangan nina FM Lee Sanghoon (2171), CM Kim Inguh (1805), Kim Changhoon (1790) at Wang Chengjia (1934) ayon sa pagkakasunod.

Sa iba pang kaganapan ay binasura ng third-seed Wuxi (China) ang Abu Dhabi (UAE), 4-0; diniskaril ng fourth-seeded Philippine Sports Commission-Manila (Philippines) ang thirteen-seeded Bs Begawan (Brunei), 4-0; binokya ng fifth-seeded Ulaanbaatar (Mongolia) ang fourteen-seeded Kuwait (Kuwait), 4-0 at pinadapa naman ng sixth-seeded Sharjah (UAE) ang fifteen-seeded Seoul (Korea), 4-0.(Lovely Icao)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …