Monday , April 22 2024

Trainer suspendido ng 9 na buwan

KINASTIGO kahapon ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang isang beteranong trainer dahil sa ginawang pagmumura nito sa dalawang veterinarian doktor ng komisyon.

Sa ipinalabas na desisyon ay pinatawan ng 9 na buwan na suspensiyon bilang horse trainer si Johnny Sordan dahil sa ginawang pagmumura sa dalawang tauhan ng Philracom.

Walang pakundangan umanong pinagmumura ni Sordan sina Dr.Rogelio Cullanan at Dr. Franco Caoibes, veterinarian doctor ng komisyon.

Nag-ugat ang insidente matapos ang ginawang pagpapabaril sa kabayong si Apo Mystery matapos itong maaksidente sa huling karera na sinalihan nito noong Setyembre 14 upang maialis na sa oval ng karerahan.

Ipinaliwang ni Commissioner Jesus Cantos, ang ginawa nina Dr.Cullanan at Caoibes ay naaayon sa batas ng Animal Welfare Act 1998.

Ginawa umano ang pagbaril sa kabayo ng walang presensiya ni Sordan, dahil  natatakot ang dalawa na sila ang balikan sa paglabag sa naturang batas.

Gayunman, bago isinagawa ang pagbaril sa kabayo ay ipinagpaalam nina doctor Cullanan at Caoibes sa pamunuan ng karerahan.

Ang ginawa ng komisyon na patawan ng 9 na buwan na suspensiyon ay makatuwiran lamang dahil hindi katanggap-tanggap ang ginawa nitong pagmumura sa dalawang vet doctor.

Malaki ang pagkukulang ni Sordan dahil dapat naroon siya nang mangyari ang insidente.

Magsilbing aral sana ang nangyari  kay Sordan na mistulang naghahari-harian at kawalan ng galang sa mga tauhan ng Philracom lalo sa sa mga veterinarian doctor.

Sa susunod, tatalakayin natin ang tahasang pagsuway ng mga horse trainer sa  Animal Welfare Act mula sa kanilang alagang kabayo na walang pakundangan kung pahirapan.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *