Monday , May 13 2024

Insentibo para sa maliliit na horse owners

Philracom Incentive race sa non-placer, hahataw upang ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na kumita lalo na ang maliliit na horse owners at mapalaganap ang papremyo ng Philippine Racing Commission (Philracom)sa  isang pakarera nakatakdang ilunsad para sa mga hindi nagpapanalong mananakbong  kabayo.

Biyayang maituturing para sa NON-Placer na mananakbo ang nakatakdang Philracom Incentive race para sa 2 at 3 year old na mananakbo na kailanman ay hindi pa nagpapanalo at natitimbang sa mga sinalihan karera.

Naglaan ng P1-milyon na papremyo ang komisyon para sa Philracom Incentive race.

Hahatiin sa dalawang division ang karera para sa 2 year old at 3 year old  na paghahatiin sa P.5 milyon na papremyo.

May naghihintay na P300,000 sa mananalo at P50,000 ang breeders prize.

Ang nasabing pakarera ay nakatakdang maganap sa Oktubre 26 na sadyang ibinigay para sa mga maliliit na horse owner.

Pagpapatunay ito na hindi lamang ang mga bigating horse owner at magagaling na kabayo ang binibigyan ng pagkakataon para kumita at makabawi man lamang sa gastusin ang mga small time horseowner.

Ang pakarerang ito ay higit na magpapa-ingganyo sa mga nagnanais mamuhunan sa karera partikular sa mga maliliit

na horse owner.  Nililingon din ng Philracom ang mga hindi nabigyan ng pagkakatao na lumaban sa mga malalaking pakarera sa pagtakbo ng Philracom Incentive race.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

PATAFA Terry Capistrano John Cabang

Filipino sprinter John Cabang muling nagtakda ng PH record

IPINAKITA ng Filipino sprinter na si John Cabang na siya ay nangunguna sa tamang panahon …

Ubas nangangamoy Paris Olympic

GAYA ng inaasahan, nagpakitang gilas si Janry Ubas matapos makopo ang 10-15 Olympic qualifying points …

Unang ginto sa ICTSI PATAFA Open nasungkit ni Fil-Moroccan Yacine Guermali

Unang ginto sa ICTSI PATAFA Open nasungkit ni Fil-Moroccan Yacine Guermali

INANGKIN ni Fil-Moroccan Yacine Guermali ang pinakaunang gintong medalyang nakataya sa pagbubukas ng 2024 ICTSI …

Magayon Chess Bicol

Rakius Dental Care Chess Team A kampeon sa Magayon Chess Festival 2024 Tatluhan Team Tournament

MANILA — Pinagharian ng Rakius Dental Care Chess Team A ang Magayon Chess Festival 2024 …

Gilas Plipinas Erika Dy SBP

Gilas Plipinas abala sa paghahanda para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament

INILAHAD ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Erika Dy, abala sa pagsasanay sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *