Thursday , June 4 2026

Ang pagbabalik ni Cotto

PAGKARAAN ng dalawang dikit na talo, nagbabalik sa limelight ang kamao ni Miguel Cotto na may bagsik.  Nung linggo ay tinalo niya si Delvin Rodriguez sa loob lang ng tatlong rounds.

Sa naging panalo ni Cotto, kikilalanin siya sa kaniyang bansa bilang kauna-unang Puerto Rican na nakapag-uwi ng apat na titulo sa apat na divisions.

Naging madali para kay Cotto na gibain si Rodriguez sa harap ng near-capacity crowd sa Amway Center na sumaksi sa pagbabalik ng Puerto Rican boxer. Kinailangan lang niya ng 18 segundo sa 3rd round para tapusin si Rodriguez.

“It was a great punch,” pahayag ni Cotto sa kanyang kamao na umalog sa ulo ng kalaban. “I felt the power right through my arm.”

Sa kabuuan ng bakbakan ay bumato ng 68 suntok si Rodriguez na 16 lang ang tumama, samantalang nakapagtala ng 110 na suntok  si Cotto at tumama ang 55 na kasama roon ang 47 power punches na naitala ng Compubox statistics.

“Anyone who lays against the ropes against the Cotto is a dead fighter,” sabi ni  Freddie Roach, trainer ni Cotto’s. “We knew we had to go to the body to wear him down. I knew Cotto would finish him off.”

Nag-imprub ngayon ang karta ni Cotto sa 38 wins at 4 loses, na may 31 KOs.

Pinag-uusapan na ngayon na posibleng si Canelo Alvarez ang makaharap ni Cotto sa susunod nitong laban.   Pero kung hindi maikakasa ang nasabing bakbakan,  posibleng si WBC middleweight champion Sergio Martinez ang makaharap ng Puerto Rican.

“To be the first Puerto Rican to win titles in four weight divisions would be very tempting to me,” pahayag ni Cotto. “I don’t know. I have to go talk to my team.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …