Saturday , May 18 2024

Ravena imbitado sa SEA Games

KINOMPIRMA ng pambato ng Ateneo Blue Eagles na si Kiefer Ravena na imbitado siya sa pambansang koponan na sasabak ni coach Jong Uichico sa men’s basketball ng Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Dating manlalaro si Ravena sa Sinag Pilipinas ni coach Norman Black na nagwagi ng gintong medalya noong 2011 sa SEA Games sa Vietnam.

Bukod kay Ravena, kasama rin sa national team sa SEAG sina Chris Newsome ng Ateneo, Terrence Romeo ng Far Eastern University, Bobby Ray Parks ng National University, Raymond Almazan ng Letran, at ang mga cadets na sina Kevin Alas, Ronald Pascual, Garvo Lanete, Jake Pascual, Matt Ganuelas at RR Garcia.

Inaasahan ding idadagdag si Marcus Douthit na naging bahagi ng Gilas Pilipinas na tumapos sa ikalawang puwesto sa FIBA Asia Championships na ginanap sa Maynila noong Agosto.

Sinabi ni Uichico na magsisimula ang ensayo ng kanyang national team sa Oktubre 14.  (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

Louiseville tatakbo sa Hopeful Stake Race sa Metro Turf

IPAPAMALAS ang husay ng kabayong si Louiseville sa kanyang pagtakbo sa 2024 Philracom “Hopeful Stakes …

Jungkook

Kinuha ni Jungkook ang Classic Cup

SA KABILA ng matinding init, nagwagi ang Jungkook ni Tisha Sevilla (Low Profile out of …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Vietnamese GM Tran Tuan Minh nasorpresa sa Chebanenko Slav
ARCA NAHABLOT SOLONG LIDERATOSA VIETNAM CHESS
Tsansa para sa 2nd IM norm napalakas

MANILA – Ginulat ni Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca si top seed …

Christian Gian Karlo Arca Chess

Arca nakatutok sa 2nd IM norm  sa Vietnam chess meet

MANILA – Nakatutok si Filipino FIDE Master (FM) Christian Gian Karlo Arca sa kanyang second …

Chito Rivera Eric Buhain COPA PAI

COPA “All For One” swim fest sa RSMC

MAHIGIT 500 manlalangoy ang inaasahang lalahok sa Congress of the Philippine Aquatics (COPA) National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *