Thursday , June 4 2026

Perez bagong “Beast” ng Stags

DAHIL kay rookie Jaymar “CJ” Perez kaya isa sa pinakamainit na teams sa NCAA ngayon  ang San Sebastian.

Inangklahan ni Perez ang Stags sa huling panalo nila kontra Lyceum of the Philippines kaya naman walang kaduda-dudang isinabit sa kanya ang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week the week na suportado ng Gatorade.

Nginasab ng 19 anyos na taga-Pangasinan, Perez ang 28 puntos, 11 rebounds at tatlong steals upang sakmalin ng Stags ang four-game winning streak.

Ang hinangaan sa kanya ay nang bitbitin niya  ang Mendiola-based SSC na wala ang key players ng kanilang koponan na sina Jamil Ortouste na nilalagnat, Leo de Vera na suspendido ng isang laro at Bradwyn Guinto na nagpapagaling.

Napatatag ng Stags ang pagkapit nila sa pang-apat na puwesto sa team standings sa record na 8-5, dalawang larong abante sa pumapang-limang Emilio Aguinaldo College matapos ang panalo nila sa nakaraang laro.

Binansagang “New Beast” na  kapalit ni former San Sebastian Stag Calvin Abueva, si Perez ay minsang nagkakalat sa laro lalo na sa kanilang three game losing skid sa pagtatapos ng first round.

Subalit mabilis na naayos ni Perez ang kanyang pagkakalat sa second round nang magtala ito ng 19 points at 10 rebounds sa panalo nila kontra Mapua nung nakaraang Linggo bago kaldagin ang Pirates.

Ayon kay SSC coach Topex Robinson, naiintindihan niya ang mga sitwasyon ng rookie at inaasahan niya ito talaga.

Sambit naman ni Perez, ibinabalik lang nito ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang coach at teammates.

Sa ligang punong-puno ng rookies si Perez ang isa sa mga kumikinang kung saan ay may average itong 14 points, eight rebounds at three assists per game.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …