Thursday , January 20 2022

Air21 babawi — Pumaren

NANGAKO si Air21 head coach Franz Pumaren na maganda ang tsansa ng Express na makapasok sa semifinals sa susunod na PBA season.

Kahit nanalo ang Express kontra Alaska, 121-107, noong Linggo ay hindi sila nakapasok sa quarterfinals ng Governors’ Cup dulot ng kanilang mahinang quotient.

Sinabi ni Pumaren na ang pagdagdag kina Asi Taulava at Joseph Yeo ay senyales na determinado ang Air21 na makipagsabayan sa ibang mga koponan sa PBA.

“It’s not everyday that you get a big man like Asi,” wika ni Pumaren. “As for Joseph, I handled him at La Salle before so I know he can deliver. I’m still proud of our team. We can use this as a motivational factor for the next conference.”

Sa panig ng Alaska, bumagsak ang Aces sa ika-pitong seed sa quarterfinals kaya kailangan nilang talunin ang San Mig Coffee nang dalawang beses para makapasok sa semifinals.

“Iyan naman ang  conference namin eh, we’ve been up and down. Di kami nakapag-respond ng maganda sa crucial game,” himutok ni Alaska point guard Jayvee Casio. “That’s the story of our conference. Up and down. May ganung games kami. Siguro di pa kami maka-respond consistently.”

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng …

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De …

Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa …

Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na …

EJ Obiena PATAFA

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at …

Leave a Reply