Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila chairman utas sa ratrat

090713_FRONT copy

Patay ang isang barangay captain matapos pagbabarilin sa loob ng barangay hall sa Barangay 130, Zone 11 sa Buendia Street, Balut, Tondo, Maynila, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Rolando Reyes, incumbent chairman na nasa ikalawang termino.

Tatlo ang nasugatan sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng dalawang lalaki ang barangay hall at binaril si Reyes gayondin ang kanyang asawa.

Naglakad lamang palayo ang suspek ngunit hinabol ng mga barangay tanod. Natamaan sa nasabing habulan ang tanod na si Juanito Fausto.

Sinabi ng mga nakakitang residente na nakasuot ng shorts, t-shirt at sombrero ang dalawang suspek.

Nagawa pang isugod sa ospital si Reyes ngunit idineklarang dead on arrival.

Nasa Tondo General Hospital naman ang asawa ng biktima at ang tanod.

Bukod sa dalawang sugatan, tinamaan din ng ligaw na bala ang batang nakaistambay na si Adrian Daguio na itinakbo naman sa Jose Reyes Hospital.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joshua Semilla Mendoza MPD NBI

Pulis ng MPD sumuko sa NBI

SUMUKO sa National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) nitong Miyerkoles, 4 Pebrero, si Pat. …

Yosi Sigarilyo

2 politiko sa Norte sabit sa illegal manufacturing at smuggling ng yosi – DILG

INILARGA na ng mga pangunhaing ahensiya ng pamahalaan ang intelligence network para manmanan ang sinabing …

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …