Saturday , February 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 patay, 33 positibo sa Leptospirosis

MULING inalerto ng Department of Health (DoH) ang publiko, partikular ang mga binaha ng habagat sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Ito ay makaraang pumalo na sa pito ang naitalang namatay habang 33 ang nagpositibo sa leptospirosis sa isang pagamutan lamang.

Natukoy ang malaking bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay UP Manila Dr. Kristin Luzentales, kapansin-pansin ang naging pagtaas ng mga biktima ng nasabing sakit, isang linggo matapos ang baha sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Kaugnay nito, ipina-alala ni PGH nephrologist Dr. Rey Tan ang mga sintomas ng leptospirosis, kabilang na ang pabalik-balik na lagnat, pananakit ng tiyan, ulo at kalamnan.

Ang naturang sakit ay nakukuha sa ihi ng daga na nasasama sa tubig baha at kumakapit sa mga lumulusong sa tubig, lalo na kung may mga sugat.                     (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …