TUMANGGAP nang matinding atensiyon ang retailer na J.C. Penney dahil sa viral photo na inilarawan ang floral print sa isa nilang skirt, bilang mantsa ng buwanang dalaw.
Ang skirt na kinukuwestiyon ay ang Worthington Side Slit Pencil Skirt, ibinibenta sa website ng kompanya sa halagang for $23.99.
Ayon sa ad copy, “Our side slit pencil skirt lets you set the day’s agenda whether you are in the office or at another important function.”
Sa larawan ay malinaw na makikita ang bulaklak sa right side ng nagsusuot nito, ngunit ito ay nagbabago kapag gumalaw na, katulad ng larawan na ini-post sa Imgur.
Pinik-up ng ilang outlet katulad ng WKYC, Mic at Houston Chronicle ang ‘unpleasant coincidence’ na ito.
Ngunit hindi nagpatinag dito ang J.C. Penny, at matapang na sinagot ito sa kanilang tweet:
“We think it’s a fab skirt for any time of the month. Period.”