Tuesday , August 5 2025

5-way tie para sa ikalawang puwesto

PAPASOK sa huling dalawang playdates ng elimination round ng  PBA Commissioner’s Cup, ang pinaglalabanan na lang ay ang huling ticket sa quarterfinals. Star at Mahindra ang siyang naghahangad na makuha ito.

Pero puwede pang magkaroon ng playoff sa Linggo. Hindi para sa huling quarterfinals berth kungdi para sa ikalawang twice-to-beat advantage.

Nakatitiyak na ang Meralco Bolts na makukuha ang isa sa top two spots dahil sa sure na itong No. 1 o No. 2 depende sa resulta ng huling laro ng San Miguel Beer. Ang Bolts ay may 8-2 record samantalang ang San Miguel Beer ay may 7-3. Kung matatalo ang Bolts sa Barangay Ginebra mamaya at magwawagi ang Beermen sa Tropang TNT sa Biyernes ay magtatabla sa 8-3 ang San Miguel at Meralco. Makakamit ng San Miguel ang No.1 spot dahil sa win-over-the-other rule.

Heto ang matindi.

Puwedeng magkaroon ng five-way tie para sa ikalawang puwesto sakaling manalo  ang Gin Kings mamaya at magwagi ang Tropang TNT kontra San Miguel at manalo din ang Alaska laban sa NLEX sa pagtatapos ng elims sa Bieyrnes. Magtatabla ang Beermen, Tropang Texters, Gin Kings, Aces at Rain or Shine sa kartang 7-4.

Paano ngayon reresolbahin iyon?

Sa pagkakaalam ko ay isang playoff lang ang puwedeng mangyari. So, gagamitin muna ang quotient system para mairanggo ang mga koponan buhat sa ikalawa hanggang ikaanim na puwesto. Kapag nalaman na kung sino ang No. 2 at No. 3 teams, silang dalawa ang maglalaban para sa ikalawang twice-to-beat advantage,

Kaya mahalaga talaga ang scores sa labanan sa elimination round. Kung  puwedeng tambakan ang kalaban, yun ang dapat na gawin. Kumbaga ay wala nang puwang sa gentleman’s game ngayon. Kailangang tambakan. Walang awa-awa!

Mahirap pang i-compute kung sino ang makakakuha ng ikalawang twice-to-beat advantage kaya’t hintayin na lang natin ang mangyayari sa susunod na dalawang playdates.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Agatha Wong The World Games 2025

Agatha Wong ng Wushu flag bearer sa The World Games 2025

NAPILING isa sa mga flag bearers ang Filipina wushu gold medalist na si Agatha Chrystenzen …

Padel Pilipinas

Ulat ng mga nagawa ng Padel Pilipinas

SA NAGANAP na General Assembly ng Philippine Olympic Committee (POC) kahapon, buong pagmamalaking inilahad ng …

AFAD

Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc.
AFAD kaagapay ang gobyerno sa responsableng pagmamay-ari ng baril, Suporta sa Philippine shooting team

ASAHAN ang mas masigla at progresibong industriya ng baril sa hinaharap dahil  sa suporta ng …

Karl Eldrew Yulo Cynthia Carrion

Karl Eldrew Yulo, Positibong Tatapatan ang Presyon sa World Juniors sa Maynila

BAGAMAT aminado sa presyon ng pagiging host country, nananatiling positibo si Karl Eldrew Yulo na …

LRTA FIVB Mens World Championship

LRTA, mas pinalakas ang kampanya para sa FIVB Men’s World Championship

LUBOS na ang pagpapaigting ng kampanya para sa pagho-host ng Pilipinas ng 2025 FIVB Volleyball …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *