Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kinikita ni Maine, sinasarili raw at ayaw i-share sa pamilya?

TINITIYAK naming hindi mahina ang aming pandinig o mayroon kaming cochlear problem, pero sa isang umpukan ng mga showbiz writer—na ang topic ay si Maine Mendoza—may nagbunyag na  umano, gusto raw ni Maine na siya—and not her parents—ang tagapamahala ng lahat ng kanyang mga kinikita.

Ang tsismis, gusto raw makabili ni Maine ng bahay. At ito ang kanyang pinag-iipunan.

Kaso, dahil ayaw niyang masilat ang kanyang diskarte kung kaya’t gusto niyang hawakan mismo ang kanyang kinikita.

Kung sabagay, Maine is of age. Hindi na naman siya minor who needs to be guided ng kanyang elders how to manage her finances, otherwise she’ll be another Sarah Geronimo!

Pero iba ang gustong matuto ng wastong financial management sa gustong iburo ang pera all to her own. ‘Yung huli kasi ay may bahid ng pagmamaramot, unless maramot nga si Maine, well, isaksak niya sa baga niya ang bawat sentimong kinikita niya!

Ilan lang ito sa mga bahong unti-unting umaalingasaw ngayon tungkol kay Maine gaya ng nakulob na labada sa palanggana na hindi naarawan.

Wala bang damage control na pantapat dito ang mga tagapamahala ng karera ni Maine?

Sa tingin namin, bago pa man tuluyang “matusta” si Maine (nataong may El Nino pa, ha?), she has to act now and act fast!

Anong silbi ng kasikatan kung daig nito ang mabahong publisidad na nagbabantang pumatay sa kanyang career?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …