Thursday , May 2 2024

Roque, kompiyansa sa lakas ni Ipe

HINDI niya kapartido si Phillip Salvador, pero kung si Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan ang tatanungin, may tulog daw ang mga kalaban ng actor sa pagka-Bise Gobernador ng lalawigan.

Kuya Ipe is with National People’s Coalition (NPC) samantalang nasa Partido Liberal naman si Enrico na tumatakbo sa kanyang ikatlo at huling termino. Siyempre, ibang vice governatorial candidate ang isinusulong ng pangkat ni Mayor Enrico, pero dahil sa lalim ng pinagsamahan nila ni Kuya Ipe ay tahasang sinabi ng una that his support goes out to the seasoned actor.

“Mahal ko si Kuya Ipe, kapamilya na ang turing ko sa kanya,”deklarasyon ni Mayor Enrico whose younger brother Ricky ay tumatakbong vice mayor niya.

Parang nakikini-kinita na namin ang masaya at mataong twin victory party ‘pag nagkataon kung papalarin si Kuya Ipe sa minimithing puwesto at muling pagkapanalo ni Mayor Enrico sa kanyang bayan.

For sure, star-studded ang pagtitipong ‘yon! Ikaw ba naman ang may kaibigan sa katauhan ni Cristy Fermin whose art gallery ay booking agency na rin ng mga artistang kinukuha para sa mga political events!

Di ba, Japs Gersin?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *