Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Space Needle nagpakitang gilas

Nagpakitang gilas muli ng isang panalo ang kabayong si Space Needle na sinakyan ni Jeffril Zarate sa isang 3YO Handicap Race (4-5) na grupo nung isang gabi sa pista ng San Lazaro. Sa largahan ay nauna sa lundagan sina Jeff, subalit biglaang umarangkada sa may tabing balya ang kalaban nilang si Sky Dancer ni Pati Dilema. Sa pagkakataong iyan ay hinayaan muna ni Jeff na ibigay ang harapan kay Sky Dancer. Pagdating sa tres oktabos ay may tatlong kabayong agwat pa sa unahan si Sky Dancer, kaya naman unti-unti nang ginalawan ni Jeff ang kanyang dala at nagresponde naman si Space Needle.

Pagsungaw sa huling kurbada ay may dalawang kabayong layo pa si Sky Dancer, pero sa tindi  ng kamot ni Space Needle sa gawing labas ay nakalapit na sila. Pagpasok sa huling 100 metro ng laban ay nakaungos na si Space Needle hanggang sa lalo pang lumayo pagtuntong sa meta ng may tatlong kabayong agwat sa napagod nang si Sky Dancer. Naorasan ang nasabing takbuhan ng 1:21.0 (07-23’-24-26’) para sa distansiyang 1,300 meters.

Sa panalong iyan ni Space Needle ay isa na siya sa mga napipiling contender sa nalalapit na unang serye ng Triple Crown sa taong ito na magsisimula sa buwan ng Mayo. Kaya kayo mga klasmeyts, may napipisil na rin ba kayo sa pinaka-aabangang malaking pakarera para sa mga 3YO na mananakbo?

REKTA – Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …