NAGKAROON kami ng ilang segundong tsikahan kay Alden Richards at inamin nitong mayroon silang inihahandang proyekto ni Maine Mendoza na naiiba.
“So far, kahit kami nang narinig namin ito, sobra kaming excited. Kasi lahat po ng ginagawa namin ay something na hindi pa nagagawa ng Aldub together. This is something different po and I’m sure this will be the best anniversary we will give to our supporters po,” pahayag ng excited na actor.
Napag-alaman namin na hindi lang pelikula ang nakaplano dahil gagawin din nila ang Pinoy adaptation ng Korean drama na You Who Came From The Stars. Posibleng magkaroon din sila ng major concert.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu