MULING babalik ng Indonesia sa March 10 ang Pinoy Indonesian star na siTeejay Marquez para sa kanyang bagong proyekto sa Indonesia.
Magbibida kasi si Teejay sa isang Indonesian teleserye na gagampan niya ang isang Pinoy Indonesian na lumaki sa Amerika at muling nagbalik sa Indonesia.
Makakasama ni Teejay ang ilan sa mga sikat na Indonesian actors at isang Pinay Indonesia base singer actress na sikat na sikat din sa nasabing bansa na si Maribeth Pascua.
Bukod sa teleserye, magiging abala rin si Teejay sa Indonesia para sa promotion ng kanyang kauna-unahang pelikula roon entitled, Dubsmash katambal ang isa sa pinakasikat na actress sa Indonesia.
Dagdag pa ang shoot nito ng Indonesian TV commercials at ilang print ads at cover ng mga magazine.
MATABIL – John Fontanilla