MISTULANG umulan ng biyaya noong thanksgiving birthday ni Sto. Domingo Chairman Richard Yu sa mga kabarangay na dumalo sa kasiyahan.
Punong-abala ang kanyang wife at dating aktres na si Amanda Amores at naroon lahat ng mga kaibigan ni kapitan gayundin ang mga senior citizen na nakisaya sa ballroom dancing.
Walang pagod ang mga lola at lolong sumayaw at sa ending ay pinauwian sila ng lechon na hinati-hati sa kanila ng aktres.
Hindi ipinagdamot ni Amanda ang pagkain kaya naman kahit umuulan ay talagang dinumog iyon ng mga taga-roon.
( VIR GONZALES )