MALAKING honor para kina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang makagawa ng isang pelikulang puro papuri ang madidinig, ang Hele sa Hiwagang Hapis na idinirehe ni Luv Diaz .
Ang problema lang sobrang tagal, walong oras. May nagbalita nga na noong ipalabas ito sa Berlin Festival ay hindi nakatiis ang Hollywood actress na siMeryl Streep kaya tumayo na noong ikaapat na oras ng panonood. Nainip yata o nagpunta sa cr sabi.
Hindi raw award ang target ni Direk Lav kundi ganda ng istorya.
( VIR GONZALES )