PEDRO – Pare, pautang naman ng isang libo, babayaran ko pagdating ng misis ko galing America.
JUAN – Sure! Teka kelan ba ang dating ng misis mo?
PEDRO – Di ko pa alam. Nag-apply pa lang siya ng US immigrant visa kahapon.
Mas malaki
ENGOT – Bakit mas malaki ang ambulance kaysa jeep?
UNGAS – Kasi ang jeep nakapagsasakay lang ng sampu-sampu, ang ambulance puwedeng magsakay ng 50-50.
May girlfriend na
ASYONG – Pare, sa wakas nagka-girlfriend na rin ako!
OTEP – Ha, sa tanda mong ‘yan, ngayon ka lang nagka-girlfried?
ASYONG – Oo, sa higpit kase ng misis ko ngayon lang ako nakalusot.