ISANG kandidato ang napahagalpak ng tawa sa kanilang sorties kasama si vice presidential bet Bongbong Marcos.
Nag-abot kasi siya ng T-shirts sa mga constituent sa isang lugar sa Pangasinan. Tuwang-tuwa daw na tinanggap ang T-shirt at saka binuklat pero nang makitang hindi T-shirt ni Bongbong ang ibinigay, nagsalita raw ito ng, ”Sir, puwede bang makahingi ng T-shirt ni Bongbong.”
Imbes sumama ang loob, natawa talaga nang husto ang kandidato, kasi napatunayan niya na hindi siya nagkamali ng pagsama sa partido ni Senator Bongbong.
Sabi ng kandidato, ”Nagkaroon ako ng realisas-yon na kahit anong paninira ang gawin kay Bongbong, pero nakikita nilang wagas at tapat ang ipinakikitang paglilingkod sa tao e, hindi rin talaga nila maitutumba.”
Sabi pa ng kandidatong kasama sa sorties ni Bongbong, ”You really can‘t put a good man down.”