Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay, balik-‘Pinas para mag-shoot ng commercial

BABALIK na ng ‘Pinas si Teejay Marquez mula sa tatlong buwang pamamalagi sa Indonesia para mag-shoot ito ng pelikulang Dubsmash.

Bukod sa pelikulang ginawa sa Indonesia, nag-guest din si Teejay sa ilang celebrity talk show, game, at variety show. Nakagawa rin ito ng once a week drama teen show na pinagbidahan niya, ito ay ang I Love You Teejay.

Isa hanggang dalawang linggong mamamalagi si Teejay sa Pilipinas para sa isang shoot ng commercial at babalik agad ng Indonesia para ituloy ang shooting ng kanyang movie at iba pang activities.

First mall tour ng Detour, matagumpay!

MATAGUMPAY ang 1st mall tour ng grupong Detour nina Allan, JC, Marcus, at JM na ginanap sa StarMall Entertainment Plaza sa Las Pinas last March 12.

Inawitan at hinarana ng Detour ang kanilang mga tagahanga. Naging espesyal na panauhin nila ang Generation 6 Dancers na kinabibilangan naman nina Jb, Moja, Ajay, Mico, Mark, at Carl.

Nagpapasalamat ng Detour sa mga tumulong sa kanila para maisakatuparan ang mall tour, ito ay ang Starmall Las Pinas, Ysa Skin and Body Experts, Aficionado Germany Perfume, New Placenta , Olive C, at Aura Soap.

Sa March 20 (Sunday) ay mapapanood ang naman ang Detour sa StarMall Edsa kasama ang Generation 6 Dancers.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …